Showbiz News

How did Monching Gutierrez react when ex-wife Lotlot de Leon got engaged to Lebanese BF?

Masaya ang Kapuso showbiz royalty na si Janine Gutierrez na engaged na ang kaniyang ina na si Lotlot de Leon sa kaniyang foreigner boyfriend.

READ: Janine Gutierrez, ninerbiyos na tanggapin ang role sa 'Victor Magtanggol'

Nag-propose ang Lebanese businessman na si Fadi El Soury kay Lotlot noong July 15 sa Tagaytay.

Sa panayam ng entertainment press kay Janine sa grand media conference ng telefantasya series na Victor Magtanggol, umamin ito na nagulat siya nang malaman na ikakasal na muli ang kaniyang ina.

Paliwanag niya, “Oh my gosh, oo nga! Excited, ang mahalaga naman po talaga sa akin ‘yung kaligayahan niya and I know she’s very, very happy kasi pagka-propose pa lang tinawagan na niya kami agad na magkakapatid na binigyan nga daw siya ng singsing and she’s very happy. So happy po kami para sa kaniya.”

Ito rin daw ang gusto ng Kapuso actress para sa magulang na may makasama ito sa kaniyang pagtanda.

“Honestly hindi ko inexpect, hindi ko na inexpect na mag-aasawa lang si mama. Pero siyempre ang hangad ko lang para sa kaniya ay may makasama siyang tumanda. ‘Yung masaya siya sa love life niya. So, ito na siguro ‘yung pinaka final final step para masabi na nakahanap na nga siya ng forever niya.”

Wala rin daw problema sa kanila ng kaniyang mga kapatid kahit hindi pormal na nagpaalam si Lotlot sa kanila bago tanggapin ang engagement.

Saad niya, “Nagulat din kami talaga. Pero siyempre hindi na naman po siguro kailangan na hingan kami ng paalam dahil si mama 'yun eh. Siguro baliktad kung may magpo-propose sa akin, kailangan magpaalam kay mama.”

Ano naman ang reaksiyon ni Ramon Christopher “Monching” Gutierrez sa napipintong kasal ng ex-wife?

Kuwento ni Janine, “Okay naman, kasi okay naman po sila ni Mama eh. Nagkakasama pa rin po kami 'pag mayroon may isang birthday sa amin or anything so okay naman sila. And alam ko naman forever na ‘yung pagmamahal ni papa kay mama at kasama na dun ‘yung gusto niya maging masaya si mama.”

Matatandaan na taong 2008 nang maghiwalay sina Monching at Lotlot.

READ: Lotlot de Leon to marry Lebanese boyfriend