Showbiz News

LOOK: Sino ang Kapamilya celeb na gusto lamunin si Baby Tali Sotto?

By Aedrianne Acar

Patuloy pa rin ang pagbibigay ng good vibes sa social media ng anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Talitha Maria Sotto o Tali.

Sa recent video na ipinost sa Instagram ni Pauleen, makikita na sobrang cute ni Tali na nakikipagkulitan sa kaniyang dentista. May mahigit 400,000 views na ang naturang video.

LOOK: 25 cutest photos of Vic Sotto and Pauleen Luna's Baby Tali


Hindi tuloy mapigilan ng Kapamilya TV host/actress na si Sharon Cuneta na panggigilan ang sobrang nakakaaliw na video ni Tali nang magkomento ito sa Instagram.