Showbiz News

Ken Chan, gaganap bilang isang taong may mental disability sa isang upcoming GMA drama

By Gia Allana Soriano


Gagampanan ni Ken Chan ang role ng isang taong may mental disability sa upcoming GMA soap na My Special Tatay. Nag-immersion pa nga ang aktor at nag-interview ng mga taong may mental disability upang makapag-prepare at lalong maintindihan ang role.

Aniya, "Hindi ganun kadali 'yung sa physical, sa emotional, and sa mental [aspects], and lahat 'yun kailangan ko pag-aralan."

Dagdag pa niya, "May isa akong na-interview, ang sabi niya: "Ang tanging hiling ko lang ay respetuhin ako ng mga tao. Sawang sawa na ako ma-bully.""

Makakasama rin niya dito si Arra San Agustin, na naging co-star niya rin sa The Cure. Kuwento ni Arra, "Ako 'yung parang magiging support system niya. Parang shoulder to cry on. Best friend, like guardian angel ni Boyet [played by Ken.]"

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Tags:
ken chan