Showbiz News

Rayver Cruz, makakatrabaho sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa isang teleserye

By Bianca Geli

Opisyal nang bumalik sa GMA Network si Rayver Cruz matapos ang 18 years.

Sa ginanap na contract signing noong September 6, inihayag ni Rayver na excited na siyang magbalik sa paggawa ng Kapuso projects.

Aniya, “Siyempre, nung una nahihiya ako kasi sobrang tagal ko nang hindi nakatungtong sa Kapuso Network.

“Pero now, naging comfortable na ako nung may nakita akong old faces, na kilala ko na dito.

“I'm excited to start working with GMA Network. I'm just happy and blessed na anytime soon magsa-start na rin ako mag-work.”

Handa na rin daw siyang sumabak muli kaagad sa isang Kapuso teleserye.

"Ang pinaka-challenging kasi talaga for me is mga drama, so excited na ako.

“I think magsa-start na rin ako soon with Kris Bernal and Thea Tolentino, so I'm really looking forward to it.

“Maganda kasi 'yung story, love story siya kakaibang love story. Basta it's an exciting love story."

Nabanggit din ni Rayver na noong nakaraang taon pa niya pinag-iisipan ang pagbabalik GMA.

Kuwento niya, “Actually, 'yung option naman to move, lagi naman nandun. Last year, napag-usapan namin.

“Basta kasama lang siya dun sa options, pinag-usapan lang namin ng manager ko. Nagkataon lang na gumagawa pa ako ng show.

“It's a long process hindi naman basta basta 'yung desisyon eh.

“Siyempre, I consulted with my family and friends, of course, with my manager, and mutual naman 'yung desisyon namin so nandito na ako.”

Naging maayos din daw ang pagpapaalam niya sa dating network.

“Naintindihan naman ng ABS-CBN and thankful ako sa kanila.

“I am what I am right now because of them and they will always be family to me.

“Pero now, it's time for me to move here and start new beginnings. I'm really excited to work.”

Ngayong balik-Kapuso na siya, gusto raw ni Rayver na mas lumawak pa ang kaniyang talento bilang artista.

“Siyempre, gusto kong ma-expand yung craft ko.

“Gusto ko magkaroon ng more challenging roles, gusto kong mas marami pa akong magawa.

“I think marami pang challenging na roles na puwedeng gawin at ibibigay na opportunities sa akin ang GMA Network, so I'm really excited.”

Makakatrabaho rin kaya ni Rayver ang kapatid na si Rodjun Cruz ngayong pareho na silang nasa GMA-7?

Sagot ni Rayver, “Sana, hopefully, kasi sobrang tagal na nung huli ko siyang nakatrabaho.

“Lagi ko siyang nakikita at nakakasama pero iba pa rin kapag katrabaho mo, e, and kapatid ko siya, so hopefully sana makasama ko rin siya.

“Ang okay kasi sa family ko, hindi nila sinasabi sa akin kung ano ang dapat gawin.

“Ako talaga, 'yung mga desisyon ko kinu-consult ko sa kanila, very supportive kasi sila, e.

“Lalo na si Rodjun, sobrang supportive niya na kuya. Ngayon, happy na siya na nandito na ako.”