Showbiz News

WATCH: Regine Velasquez, guest sa 'Adrenaline Rush' concert ni Alden Richards

By Gia Allana Soriano

Makakasama ni Pambansang Bae Alden Richards si Asia's Songbird Regine Velasquez at Comedy Queen Aiai delas Alas sa kanyang Adrenaline Rush concert, na gaganapin sa Kia Theater ngayong Biyernes ng gabi.

Aniya, "'Yung makasama mo si Ms. Ai and Ms. Reg sa isang stage para mag-perform parang 'yun 'yung isa sa nilu-look forward ko, e.

"'Tsaka excited ako kantahin 'yung mga bagong songs na naaral ko."

Dagdag pa niya, "This concert, I'm doing this for myself... Kaya very excited ako dito sa show natin na ito."

Kahit hectic ang schedule ni Alden ngayong September, thankful siya dahil naitawid niya nang maayos ang kanyang commitments.

Ito raw ay dahil sa mga dasal niya at sa paghugot niya ng lakas sa Diyos.

Sabi pa niya, "I'm really thankful na hindi ako nagkakasakit lately."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: