Showbiz News

READ: Maine Mendoza, ma-shopping ba tuwing 'ber' months?

By Aedrianne Acar

Magiging busy ang “ber” months para sa Phenomenal Star na si Maine Mendoza dahil sa shoot ng pelikula niya kasama sina Vic Sotto at Coco Martin para sa 2018 Metro Manila Film Festival.

#Ubusan: Maine Mendoza's lipstick sold out in less than a minute

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Maine kamakailan, nagkuwento ito kung paano sila nagse-celebrate ng kaniyang pamilya tuwing holidays.

Kuwento ng Eat Bulaga star, “Normally po before I entered show business, get together with the clan, mother side po. Pero ngayon, parang tina-try namin mag-travel as a family.

“Pero this year po since kasama kasi sa MMFF wala po kaming plans of going out of the country.”

Umamin din siya na mahilig siya mag-shopping tuwing “ber” months na regalo na niya para sa kaniyang sarili.

Wika ni Maine, “Opo parang treat ko na rin for myself. Opo, online actually mahilig ako mag-online shopping.”

May oras pa rin ba siya na pumasyal sa mga malls?

“Nakakalabas naman po ako. Wala naman pumapasin sa akin (laughs).”

Lumikha ng ingay online ang lipstick collaboration ni Maine with global makeup brand MAC Cosmetics matapos ma-sold out ang lipstick nito sa online store na Lazada.