Showbiz News

EXCLUSIVE: Benjie Paras, bilib na bilib sa di nagbabagong ugali ni Alden Richards

By Aedrianne Acar

Nanatiling magpakumbaba ang nag-iisang Pambansang Bae Alden Richards.

Ganito inilarawan ng PBA legend na si Benjie Paras ang muling pagkikita nila ni Alden Richards sa patok na primetime series na Victor Magtanggol.

WATCH: Benjie Paras, pinag-eksperimentuhan sa 'Victor Magtanggol'

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Benjie habang nasa isang pictorial sa Kapuso Network compound noong Lunes, September 24.

Dito, ikinuwento niya ang muling pagsasama nila ni Alden, na una niyang nakatrabaho sa soap na One True Love noong 2012.

Sabi ni Benjie, “Si Alden [nakatrabaho ko na] bago pa sila maging love team ni Maine [Mendoza], 'yung una niyang soap kami magkasama nun 'yung One True Love.

“'Yun 'yung una niyang soap kami magkasama, so ano na rin matagal na 'yung pinagsamahan namin.”

Dagdag niya, “Ang masasabi ko lang he is a very humble person and until now kita mo pa rin 'yung the way he acts, 'yung humility andun pa rin.

“Hindi [siya] nagbago kaya tuwang-tuwa nga ako. Kagaya nung huli kami nagkita, after a very long-time, e, yumakap siya.”

Nakasama ni Alden bilang leading lady sa One True Love ang former Tween Hearts star na si Louise delos Reyes.

Bilib din si Benjie sa production team ng Victor Magtanggol dahil sa magandang concept ng show, pati na rin sa pagiging mabusisi nila sa mga detalye hanggang sa costumes ng characters.

“Magaling, maganda 'yung concept nila, mahirap lang dito is talagang ang hirap ng pagdadaanan nung mga taong involved dun sa costume at dun sa mga prosthetics,” pahayag ni Benjie.

EXCLUSIVE: Andrea Torres on 'Victor Magtanggol' fight scenes: "Karir talaga"