TV

EXCLUSIVE: Andrea Torres, hindi naapektuhan sa bashers ng 'Victor Magtanggol'

By Aedrianne Acar

Hindi na pinapansin ng Kapuso actress na si Andrea Torres ang mga sinasabi ng mga bashers online laban sa kaniyang primetime series na Victor Magtanggol.

EXCLUSIVE: Alden Richards reveals plans for the rest of 2018

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang Bubble Gang babe habang nagti-training kasama ang Pambansang Bae Alden Richards para sa fight scenes nila last week sa rooftop ng Kapuso Network.

Ginagampanan naman ng Kapuso star ang blonde goddess na si Sif.

Naiintindihan daw ni Andrea kung bakit may binabatong negative comments sa kanilang soap na isang konsepto na hango sa Norse mythology.

Pero masaya silang lahat na bumubuo ng Kapuso series na napatunayan nila na mali ang mga sinasabi ng mga bashers nila sa social media.

Paliwanag ni Andrea, “Siguro hindi maiiwasan 'yun kasi bagong concept naman, first time na na-tackle. Pero proud kami ngayon na nakikita nila 'yung ibig namin sabihin, 'yun I think is best mapanood na lang talaga nila. Ang hirap i-explain nung time na 'yun, so at least ngayon nakikita nila kung ano 'yung ginawa namin dun sa konsepto.”

Dagdag din ni Andrea na nakatulong ang naranasan niya sa previous soap niya na Alyas Robin Hood kaya hindi na siya masyado nagpaapekto sa mga bashing sa social media.

Matatandaan na kasama si Andrea Torres sa higanteng action series na Alyas Robin Hood na pinagbidahan ng Kapuso primetime king Dingdong Dantes noong 2016.

“Hindi na kasi ako naapektuhan parang ang ganda nung posisyon ko in life, very balanced ang lahat sa akin. Very positive lahat, so wala talagang nakaka-affect sa akin.”

“Plus, nakatulong din na nanggaling ako sa show na medyo similar din 'yung pinagdaanan [Alyas Robin Hood]. 'Yung Alyas ganun din at first so wala na sa kin 'yun. Hindi ko na siya pinagtutuunan ng pansin, more on gusto ko lang talaga mapaganda 'yung work ko at tsaka 'yung role ko.”