Showbiz News

Kris Aquino: 'I am now broken'

By Nherz Almo

“Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more.”

Ito ang sabi ni Kris Aquino sa kaniyang bagong Instagram post, kung saan nagsalita na siya tungkol sa diumano'y panlolokong ginawa sa kanya ng hindi niya tinukoy na tao.

Matatandaan na noong Lunes, September 24, nabanggit ng TV host-actress-celebrity influencer na naging biktima siya ng “financial abuse” at panloloko, na naging dahilan ng kanyang pananahimik sa social media at malaking pagbawas ng kanyang timbang.

Kris Aquino victim of financial abuse and betrayal

Muli niya itong binanggit sa kanyang post kanina, September 25.

Ayon kay Kris, sinadya niyang manahimik dahil, “Natakot akong baka mawala ang bilib n'yo sa kin because I am now broken.”

Pero ngayon, dagdag niya, “I decided to set myself free & share w/ you what affected to me.”

Hindi pa rin nagbigay ng tiyak na detalye tungkol panlolokong naranasan niya. Ngunit nabanggit niyang na maari nitong maapektuhan ang kanyang mga pinaghirapan para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Kuwento niya, “My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my sons' trust funds, money I conscientiously saved for them because I made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always come first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko para sa kanila.

“It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE MOST, MY LIFE'S MEANING & INSPIRATION may suffer consequences because I was targeted & deceived by a person with no conscience.”

Sa ngayon, pinayuhan daw si Kris ng kaniyang pamilya na magtiwala sa kanyang legal team.
“My family advised me to have FAITH in our legal system,” sabi pa niya.

Umaasa rin daw siya na magiging totoo sa mga salita ang kamag-anak ng nanloko sa kaniya.
Aniya, “The settlement or legal battle will now be in the hands of lawyers I RESPECT, auditing and accounting firms I TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail.”

Sa huli, naniniwala raw si Kris na, “Everything happens for a reason-maybe God made me experience this humiliation for me to have first hand experience 'pag niloko ka sa pinaghirapan mong pera- dahil nga may BOSES ako at yung boses na 'yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGOL ang mga napipilitang manahimik. I still firmly believe: ang TAMA NILALABAN.”