Showbiz News

LOOK: Sasakyan ni Yasmien Kurdi nabangga sa Cainta

By Aedrianne Acar

Maayos na ang lagay ni Yasmien Kurdi matapos mabangga ang sinasakyan niyang kotse sa Cainta.

Sa sunod-sunod na post ng Kapuso actress sa Instagram Stories, ikinuwento niya ang mga nangyari sa sasakyan na hiniram lamang niya sa kaniyang asawa na si Rey Soldevilla Jr.

Kahit ganito ang nangyari, malaki pa rin ang pasasalamat ni Yasmien na walang nangyari sa kanilang masama.

Hindi malinaw sa post ng celebrity mom kung ang sasakyan na nabangga ang mismong kotse na iniregalo ni Yasmien sa mister niya noong Mayo.

READ: Yasmien Kurdi, brand-new car ang surprise birthday gift sa asawa


Huling napanood si Yasmien sa patok na Kapuso afternoon soap na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.