Showbiz News

EXCLUSIVE: Kris Bernal, may plano na bang magtayo ng second branch ng House of Gogi?

By Aedrianne Acar

Doing well ang pinakabagong business venture ng Kapuso drama actress na si Kris Bernal na unlimited Korean barbecue grill na House of Gogi.

WATCH: Kris Bernal, bakit nagpatayo ng unli-Korean barbecue grill?

Sa one-on-on interview ng GMANetwork.com kay Kris sa pictorial ng kaniyang bagong soap na Asawa Ko, Karibal Ko, sobra siyang natuwa na maraming tao ang naging aware sa House of Gogi nang mapanood ang Kapuso Web Specials feature.

Ani Kris, “Sobrang nakakatuwa. Thank you kasi nabigyan ng time at ng opportunity 'yung House of Gogi at thank you rin kasi nabasa ko 'yung mga comments nila.”

“And in fairness nakita ko rin may iba kaming customers na they were able to watch the video, so very thankful ako kasi nagkaroon ako ng customers.”

Kinuha rin niya ang vlogger na si Raf Juane na nakasama niya sa webisode bilang model ng kaniyang lipstick line na malapit na niyang i-release this year.

“Tapos si Raf [Juane] ang bait niya. Actually, I got him for my lipstick line to model my lipstick line. Nililigawan ko na siya nun [nung shinoot namin 'yung webisode]. Mabait siya.”

May plano na rin ba si Kris na magtayo ng second branch ng House of Gogi?

Paliwanag ng Kapuso actress, “Hindi ko na kaya. As much as I wanna branch out kasi may nag-i-inquire na ng franchise, pero hindi na kaya ng time ko. Siguro kapag nakakuha ako ng investor or partners sige kahit ilan pa yan.”

“Pero kung ako lang talaga mag-isa, wala baka malugi lang ako kung mapapabayaan ko.”

Panoorin ang exclusive tour ng House of Gogi ni Kris Bernal sa video below.