Showbiz News

Gwapong anak ng bilyonaryo sa Thailand, dahilan ng panloloko kay Kris Aquino?

By Cherry Sun

Isang gwapong anak ng bilyonaryo sa Thailand diumano ang naging tukso para maloko si Kris Aquino ng kanyang financial consultant, ayon kay Lolit Solis.

Parami ng parami ang kuro-kuro tungkol sa pinagdadaanang financial trouble ng Queen of All Media at dinagdagan pa ito ni Lolit nang ikuwento niya kung paano maaaring nasangkot sa gulo ang isang anak ng bilyonaryo at isang financial consultant.

Kuwento niya, “Ang pogi raw ng isang Thai na bumili ng franchice ng Potato Corner at anak ng bilyonaryo dito sa Thailand. Ito ang parang pinalalabas na 'side story' sa mala-teleserye na naganap between Kris Aquino at Nico Falcis. Ang guy daw ang dahilan kung bakit nagawa ang naganap na pangyayari. Baka daw iyon ang dahilan para 'matukso' ang isang may pinag-aralan at may kaya naman na financial consultant. Pero ang twist ng story, paano ka gagasta sa anak ng isang bilyonaryo? Saka anak ng bilyonaryo huhuthutan ka?”

“Parami na nang parami ang twist ng teleserye ha. At guwapo nga ang guy na ang tawag ng mga Pilipino sa Bangkok ay Daniel Padilla ng Thailand. Bongga ang teleserye ni Kris st Nico may foreign casting , hah hah. Joke lang pero ang wish ko sana lumabas ang totoo dito dahil kawawa naman ang biktima. Si Kris? si Nico? Iyon thai ? Iyon accountant? Sino?” dugtong din niya.