Showbiz News

READ: Lolit Solis, nagkomento sa pag-alis ni Regine Velasquez sa GMA Network

By Cherry Sun

Nagbigay ng kanyang opinyon si Lolit Solis tungkol sa pag-alis ni Regine Velasquez sa GMA Network.

Ani Lolit, hindi raw ibig sabihin na kung may artistang lilipat ay discontented agad ito at may nakitang hindi gusto.

Paliwanag niya, “Para lang iyan paghahanap ng bahay, pag nakita mo mas maayos at sakto ang presyo sa iyo, lilipat ka kahit sanay ka na at gusto mo rin iyon luma mong bahay. Tapos pag nandun ka na sa nilipatan mo either may makita kang palpak o ma-feel mo mas maganda sa dati mong bahay. Ganun lang iyon. Hindi ibig sabihin kaya lumipat hindi na niya gusto iyon dati, human nature lang natin na tingnan kung ano ang iba sa kabila at kung ano ang bago.”

Natural lang daw na may mga artistang lumilipat ng network, at dahil sa kanilang paglipat ay mas nagiging interesting ang mga maaaring mangyari sa entertainment scene.

Patuloy ni Lolit, “Kung maraming lumilipat sa 2, marami rin lumilipat sa 7. Mas maganda nga dahil at least naiiba-iba ang rekado. Ang hirap din naman na lagi na lang iyon ang sahog, at least now makita mo kasama ni Regine si Sharon o si Sarah Geronimo. Tapos iyon mga batang singers ng 7 mabigyan na rin ngayon ng pansin, siyempre nun nandiyan si Regine Velasquez second o third layer lang sila. Now baka sakali, they can prove na puwede pala silang ilagay sa first layer."

"Times are changing, kailangan din mabago ang eksena, hindi puwede ganun lang nang ganuon ang paninda mo na ibibigay sa televiewers kaya all the chances kinukuha mo," dagdag din niya.