Showbiz News

LOOK: Marian Rivera at Maine Mendoza, mukhang kambal ayon kay Lolit Solis

By Cherry Sun

Tila kambal daw kung pagmamasdan sina Marian Rivera at Maine Mendoza ayon kay Lolit Solis.

Sa unang pagkakataon ay naging tandem sina Marian at Maine bilang endorsers ng isang skin care product. Sa okasyong ito ay napansin ng beteranang talk show host at manager na kambal sa ganda ang dalawang Kapuso stars.

Aniya, “Ang ganda-ganda naman ng combination nila Marian Rivera at Maine Mendoza sa Maxi Peel commercial nila. Para silang twins na maganda ang combination at very refreshing to the eyes.”

“Suwerte ng Triple A, lucky Rams David, bongga ang mga alaga niya. At sino pa ba ang pinaka maganda at certified beautiful skin kundi sila Marian at Maine 'di ba? Very credible na mag-endorse ng beauty products dahil kita sa mukha at katawan. Double M ng Triple A di ba mama Rams,” patuloy niya.