Showbiz News

EXCLUSIVE: Barbie Forteza, excited na sa bagong project kasama si Jak Roberto

By Bianca Geli

From real-life to onscreen naman ang tambalang JakBie na ngayon'y magkasamang bibida sa isang proyekto.

Kuwento ni Barbie, “Happy ako kasi dahil finally hindi na lang kami off-cam magkikita. Halos araw araw na kami magkikita at 'yung mga pinag-uusapan namin sa taping parehas na naming mararanasan at the same time. So masaya ako and I'm very excited for the project.”

Dagdag ni Barbie, blessing daw na nabigyan siya kaagad ng panibagong proyekto matapos ang Inday Will Always Love You.

“I'm very thankful dahil halos hindi na ako nabakante sa trabaho, balik taping ako ulit kaya masaya ang pasko ko, very merry.”


Ngayong November na raw ang umpisa ng taping nila Barbie. “Start na kami bago mag holiday break.”

Bukod kay Jak, makakasama rin nina Barbie sa upcoming project si Mika dela Cruz.