Showbiz News

WATCH: K-pop groups WINNER at iKON, nag-concert sa Pilipinas

By Gia Allana Soriano

Dinagsa ng fans ang concerts ng mga Korean groups na WINNER at iKON. Magkasunod na nag-concert sa bansa ang dalawang grupo, November 10 ang WINNER at November 11 naman ang iKON. Pareho itong ginanap sa Mall of Asia Arena.


Kinanta ng WINNER ang hit song nilang "Really Really," at pinerform naman ng iKON ang chart-topping track nila, ang "Love Scenario."

Ang dalawang grupo ay parte ng YG Entertainment, ang entertainment company ng ilang sikat na artists tulad nina Sandara Park, CL, Lee Hi, AKMU, at ang grupong BIGBANG at BLACKPINK.

Panoorin ang buong report sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News