Showbiz News

WATCH: K-Pop group na EXO, nagpasiklab sa kanilang two-night concert in Manila

By Cara Emmeline Garcia

Hindi binigo ng K-Pop group na EXO ang kanilang fans sa naganap na two-night concert nila sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City noong August 23 at 24.

Dinumog ng fans o “EXO-L” ang EXO Planet #5 - EXplOration in Manila para makita ang kanilang iniidolong sina Suho, Baekhyun, Chen, Chanyeol, Kai, at Sehun na bumubuo sa grupo.

Kinanta ng grupo ang ilan sa kanilang hit songs tulad ng “Tempo,” “Transformer,” at “Gravity,” na sinabayan ng nakabibinging hiyawan mula sa kanilang fans, na ang iba ay galing pa sa iba't ibang parte ng mundo.

Sa nasabing concert, nakita ang celebrity couple na sina Dra. Vicki Belo at ang asawa nitong si Hayden Kho.

Ito ang ika-apat na pagtatanghal ng grupo sa bansa.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:

WATCH: KPop group na EXO nag-perform sa Manila

LOOK: 'Padding Squad' spotted in Cebu?