Showbiz News

WATCH: Kambal na pinaghiwalay ng tadhana, muling nagkita sa KMJS

By Bianca Geli

Nakiramay sa isang burol sa Aklan si Marissa nang mapagkalaman siyang isang babae na nagngangalang Marina.

Galing pa raw ng Negros si Marissa at noong burol lang daw nakatapak ng Aklan, kaya laking gulat niya ng tila may nakakakilala sa kanya.

Dito na nagbalik kay Marissa ang kanyang nakaraan.

Ani Marissa sa Kapuso Mo, Jessica Soho, may kakambal daw talaga siyang kapatid, si Marina

Tubong Leyte sina Marissa at Marina, masaya naman daw ang kanilang kabataan pero nagbago ang buhay nila matapos mamatay ang kanilang ina.

Muling nag-asawa ang kanilang ama, at sa kasamaang palad, minaltrato raw sila ng kanilang madrasta.

Kaya sa edad na 16, naglayas sina Marissa at Marina para mamasukan bilang kasambahay.

Ngunit isang araw, nalaman na lang ni Marissa na lumuwas pa-Maynila ang kaniyang kambal.

“First time naming nagkahiwalay, iniisip ko, kapag nagpunta ako ng Maynila, baka magkita kami.”

Kaya lumuwas din pa-Maynila si Marissa.

Lumipas ang ilang dekada, wala pa ring balita si Marissa kay Marina. Ngunit lukso ng dugo na ang nagsasabi sa kanya na buhay pa ang kanyang kapatid.

“Nararamdaman ko na buhay pa siya.”

Hanggang sa may nakakita sa kanya sa burol sa Aklan, at napagkamalan siyang si Marina.

Paano kaya nagkita muli sina Marissa at Marina?