Showbiz News

Paolo Contis gets a chance to work with fellow comedians in 'Ang Pangarap Kong Holdap'

By Nherz Almo

Hindi inaalala ni Paolo Contis ang “overexposure” dahil magkasunod ang pelikula niya ngayong 2018.

Paolo Contis

Para sa Kapuso actor, madalang naman siyang gumawa ng pelikula at magkaiba pa ang tema ng dalawang pelikula niya ngayon--ang 'Through Night and Day' at 'Ang Pangarap Kong Holdap,' na nagbukas sa mga sinehan kahapon, November 28.

“Ang tagal ko namang hindi nagpelikula, e,” sabi ni Paolo nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporters sa special screening ng 'Ang Pangarap Kong Holdap' kamakailan.

Patuloy niya, “'Tapos, magkaibang genre naman siya. Ito [Ang Pangarap Kong Holdap] super male comedy, iba naman. 'Yung isa naman [Through Night and Day] nasa romantic [genre].”

Alin sa dalawang pelikula ang challenging para kay Paolo?

Sagot niya, “Mas nahirapan ako sa Through Night and Day kasi mas emotionally challenging siya, mas malaro sa emosyon, mas mahirap itayo ang pelikula kasi dalawa lang kami.

“Ito, may mga katulong ako. Actually, suportahan kaming apat, so it was easier to shoot.”

Nakasama ni Paolo sa 'Through Night and Day' si Alessandra de Rossi.

Samantala, isang magandang pagkakataon din daw ang bago niyang pelikula para makatrabaho ang mga kapwa niya komedyanteng sina Pepe Herrera, Jelson Bay, at Jerald Napoles.

“Nakikita ko sila. Ilang beses kong pinanood ang Rak of Aegis dahil sa kanila [Jerald and Pepe]. It's an opportunity for me to work with them,” sabi ni Paolo.

Bagama't magkakasama silang apat, hindi naman daw nagkaroon ng sapawan sa pagitan nila pagdating sa pagpapatawa sa pelikulang 'Ang Pangarap Kong Holdap.'

Paliwanag ni Paolo, “Well, that's the good part about working with real comedians, para sa akin.

“'Yung mga totoong komedyante, para sa akin, alam nila kung magbibigay sila o ite-take nila 'yung punchline.

“Kapag ginagawa naming 'yung eksena, 'Kay Jelson 'to, kay ano 'to.'

“Lahat kami nakasuporta dun, walang sapawang naganap, walang selosang naganap, wala.

“And direk [Marius Talampas] was there to guide us well sa batuhan para maging patas 'yung highlights, mga punchlines ng bawat isa.

“Technically, pinakakaunti naman 'yung sa akin because of my character, dun sa twist ng aking character.

“Pero I had my moments naman na mapasaya ang mga tao.”

READ: Paolo Contis explains reason for staying in GMA: "They're loyal to me"

Pagdating naman daw sa kanilang director, hindi raw naging problema kahit first-time ni Marius na gumawa ng full length film.

“Hindi ko naman tinitingnan 'yon,” sabi ni Paolo.

“As long as nakita ko naman na ginagawa niya. Sabi nga niya, 'Wala akong ano, silly lang 'yung [movie].'

“For me, it takes a smart person to make a silly film, na may kuwento at dire-diretso pero nakakatawa, silly siya.

“Para sa akin, matalino lang ang makakagawa no'n.

“Para sa akin, matalino siya, 'yun ang maganda dun.

“Feeling ko nagkukunwari lang 'to, na hindi niya alam ang ginagawa niya, pero alam niya.

“Alam niya ang comedy niya. Sobrang alam niya ang comedy niya kasi may hinihingi siyang acting na 'di ko gets pero later on na-gets ko na rin. He's very smart.”