Showbiz News

LOOK: Ken Chan, alay kay Kuya Germs ang kaniyang star sa Walk of Fame

By Cherry Sun

Inalala ni Ken Chan ang kaniyang tatay-tatayang si German “Kuya Germs” Moreno ngayong nakatanggap na siya ng kaniyang sariling star sa Walk of Fame.

Kuwento ni Ken, naniwala raw si Kuya Germs na mabibigyan siya ng pagkilala sa Walk of Fame.

Aniya, “Pabiro kong sinabi kay Tatay (Kuya Germs) noon, 'Tatay, bigyan mo ako ng Star sa Walk of Fame ah.' Sagot naman niya sa akin, 'Balang araw magkakaroon ka din ng Star.'

“Ngayon dumating na nga ang araw na nagkaroon na ako ng star. Wala ka naman Tatay, pero alam kong nakangiti at proud kang pinagmamasdan ako habang tinatanggap ko ang Star sa Walk of Fame. Sobrang saya ko ngayon,” patuloy niya.