Showbiz News

EXCLUSIVE: Ali Sotto, ibinahagi ang role na magkukumbinsi sa kaniya na bumalik sa pag-arte

By Aedrianne Acar

Matagumpay ang naging taon ng Super Radyo DZBB anchor na si Ali Sotto matapos tumanggap ng mga parangal.

Ali Sotto

Super Radyo DZBB wins big at the Inding-Indie Film Festival 2018

'Dobol A sa Dobol B' wins at the 40th Catholic Mass Media Awards

Kamakailan lang natanggap nina Ali at Arnold Clavio ang "Mamahayag ng Taon Award" sa 2018 Inding-Indie Film Festival.

Inuwi din ng programa nila na Dobol A sa Dobol B ang "Best News Commentary" award sa 40th Catholic Mass Media Awards.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Ali sa isang shoot sa Radio GMA, ngayong araw December 11, binigyan diin ng batikang radio anchor kung gaano kahirap ang ginagawa nila para makapagbigay ng dekalidad na programa sa kanilang mga loyal listeners.

Aniya, “Well gusto ko lang reiterate kasi people really appreciate the program, kasi makikita mo talaga na nage-enjoy kami. But few people realized the hard work that goes into it, mukha siyang madali pero actually 'yung trabaho na pumapasok para mabuo 'yung programa is talagang nag-uumpisa ng alas kuwatro kada umaga. Once nakapaghanda ka na madali na dahil handa ka.”

Nakakataba din daw ng puso na nagbunga ang hirap ng buong DZBB team sa mga natanggap nilang awards this 2018.

“Dun sa pagbigay ng awards sa amin ng Catholic Mass Media Awards and Inding-Indie [Film Festivcal] among others napakasarap ng feeling.

"Una, masarap na binigyan ako at kaming lahat ng pribilehiyo na maging boses na pinapakinggan.”

“Yung milyun-milyong nakikinig, natututo, natutuwa, napapatawa namin. Yun lamang 'yung pribilehiyo lamang na binigay sa'yo talagang nag-uumapaw na 'yung pasasalamat ko.

"Tapos what more eto pa binigyan ka pa ng parangal na kinikilala 'yung trabaho na pinupunuhan mo sa iyong ginagawa.”

Bago pumasok sa mundo ng pagiging radio anchor, nakilala si Ali Sotto bilang isang mahusay na aktres. Kabilang sa mga pelikula na ginawa niya ay ang Maging Sino Ka Man' na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Ano kayang klaseng role ang magkukumbinsi kay Ali Sotto na muling umarte?

Paliwanag niya, “Kasi sa akin I've made the decision na ito 'yung gusto ko gawin [radio anchor], ito 'yung audience na gusto kong kausapin. 'Yung kahit na mayrun akong pagkakataon to address, probably you know write in English a column somewhere sa broadsheet or bumalik sa pag-aarte unless very tempting 'yung role. Ako kasi work-life balance ako.”

Dagdag niya, “Gusto ko kunwari man 'yung role ko 'yung markado number one. Number two, mayrun akong mensahe.”

“Hindi 'yung for the sake na na-cast ka di ba. As some character na hindi markado, tapos wala kang redeeming value for being there di ba.”