EXCLUSIVE: Manolo Pedrosa, bakit kinilig kay Kate Valdez?
Published On: December 12, 2018, 05:43 PM
Updated On: December 12, 2018, 05:54 PM
Nang tanungin ang Pamilya Roces star na si Manolo Pedrosa kung sinong Kapuso actress ang nais niyang makatambal, sinagot ng young actor na si Kate Valdez ang gusto nitong makapareha.
Manolo Pedrosa, gustong makatambal sa proyekto si Kate Valdez
Kamakailan lamang sa Mars, sinabi naman ni Kate na si Manolo rin ang gusto niyang makatrabaho.
Mars: Kate Valdez, nais makapareha si Manolo Pedrosa
Nang eksklusibong makapanayam ng GMANetwork.com si Manolo, hiningan siya ng reaksiyon ukol sa sagot ni Kate sa Mars.
Napangiti si Manolo at sinabing "Really? Game, let's see! Hopefully GMA will give us a project and let's see na if it works."
Tags:
manolo pedrosa