Showbiz News

Kapuso network programs, panalo lahat sa ratings noong Sabado!

By Michelle Caligan

Panalo sa ratings ang lahat ng programa ng GMA Network noong Sabado, December 15. Mas piniling panoorin ng TV viewers ang Kapuso shows mula 'Light Up' na umeere ng 4:30 a.m. hanggang 'i-Witness' na nagsisimula ng 11:53 p.m.

Ang may pinakamalaking rating gap sa araw na iyon ay 5.0, sa pagitan ng 'Magpakailanman,' na nakakuha ng 9.9 rating, at 'Family Is Love: The 2018 ABS-CBN Christmas Concert (Part 1)' na nakakuha lamang ng 4.9.

Nanalo rin ang 'Puso ng Pasko: The GMA Christmas Special' laban sa 'Family Is Love: The 2018 ABS-CBN Christmas Concert (Part 2)' noong Linggo, December 19.

READ: Pagsasama-sama ng mga Kapuso stars para sa 'Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special,' wagi sa ratings!

Base sa Comparative Program Ratings Performance gamit ang Nielsen TAM Arianna overnight ratings ng Nielsen Philippines para sa naturang araw, nakakuha ng 6.2 na rating ang GMA kumpara sa 4.0 ng ABS-CBN. Ilan sa mga programang nagkaroon ng malaking rating gap sa kanilang katapat sa kabilang network ay ang morning animated shows na 'Tobot,' 'Sonic Boom,' 'Grami's Circus Show,' 'Angry Birds Toons,' at 'Ben 10.' Panalo rin ang Topps Sarap! Toppstar TV at Maynila sa katapat nilang NBA 2018-2019 season game ng Brooklyn Nets vs Washington Wizards.

Nanguna rin sa ratings ang 'Sarap 'Di Ba?,' 'Eat Bulaga,' 'Asawa Ko, Karibal Ko,' 'Tadhana,' 'Wish Ko Lang!,' 'Imbestigador,' '24 Oras Weekend,' 'Pepito Manaloto Ang Tunay na Kuwento,' 'Daddy's Gurl,' 'Magpakailanman,' at ang feature film sa Kapuso Movie Night na 'Our Mighty Yaya.'