Showbiz News

LOOK: Original SexBomb Girls perform together in an event

By Nherz Almo

Muling nagkasama-samang sumayaw ang mga dating miyembro ng popular na all-female dance group na SexBomb Dancers.

Sexbomb Girls

Sa Instagram post ni Jopay Paguia-Zamora, masaya niyang ibinahagi ang larawan niya kasama ang kapuwa SexBomb Girls na sina Aira Bermudez, Che-Che Genove-Shimabukuro, at Mia Pangyarihan.

Base sa caption niya, nag-perform silang apat sa isang event na ginanap sa Rizal Park.

“After 2 years naka sayaw ulit hehe,” sabi pa ni Jopay.

Marami sa kanilang fans ang na-excite sa post ni Jopay, ang iba ay humiling pa ng pagbabalik ng kanilang grupo sa pagsasayaw.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng reunion ang mga orihinal na miyembro ng SexBomb Girls sa ginanap na baby shower para kay Rochelle Pangilinan.

LOOK: Original SexBomb girls hold first reunion and Christmas party

#FelizNavidad: SexBomb girls reunite for their Luau-themed Christmas party