Showbiz News

WATCH: Dennis Trillo, inalala ang kanyang unang acting award sa MMFF

By Gia Allana Soriano

Inalala ni Dennis Trillo sa kanyang Instagram post ang kanyang first ever acting award para sa 30th Metro Manila Film Festival. Nanalo si Dennis ng Best Supporting Actor award para sa movie na Aishite Imasu 1941: Mahal Kita.

LOOK: Kapuso stars, wagi sa 2018 MMFF Gabi ng Parangal

Ngayon naman ay nanalo siya ng Best Actor award para movie na One Great Love na kabilang din sa MMFF this year. Aniya, "Napakasaya lang na hindi ko alam na ganito magtatapos 'yung taon ko, na magkakaroon pa ng isa pang blessing na hindi ko inaasahan. Pero, sobrang happy lang kasi ano, eh, nagbunga rin lahat ng talagang paghihirap namin."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: