Showbiz News

WATCH: Kim Domingo, game sa funny at sexy role sa 'TODA One I love'

By Maine Aquino

Muling magpapakitang gilas si Kim Domingo sa pagiging funny at sexy actress sa kanyang bagong project na Toda One I love.

Kim Domingo

Ipinasilip ni Lhar Santiago ang ilang eksenang ginawa ni Kim sa kanyang ulat sa 24 Oras Weekend. Kuwento ni Kim at masaya ang kanilang working environment.

"Ay naku, masayang masaya. Nakita mo naman kanina nagkakagulo kami so parang ang gaan gaan ng set namin."

Ipinaliwanag rin ng aktres ang kanyang magiging role sa programang mapapanood soon sa GMA Network.

"Ako dito si Vicky. So ang character ko dito may pagkaselosa ako na girlfriend. So si Archie ang aking boyfriend. May-ari kami ng parang car wash. Kami ang naglilinis ng mga tricycle."

Panoorin dito ang kabuuang ulat.