Showbiz News

WATCH: Onay, Boyet, at Kara Mia, ginaya ng mga estudyante

By Aaron Brennt Eusebio

Ginaya ng ilang estudyante ang mga sikat na karakter ng GMA na sina Boyet ng My Special Tatay, Onay ng Onanay, at ang kambal na sina Kara at Mia ng Kara Mia.

Onay, Boyet, at Kara Mia

Mapapanood sa video ang pagmamakaawa ni Onay kay Rosemarie na bumalik na siya, pero biglang pumasok si Boyet upang pigilan ang mag-ina na mag-away.

Sunod namang pumasok sa video ang isang tao na nakasuot ng jacket at maya-maya pa ay ipinakita ang isa pang mukha niya sa likod.

Panuorin ang nakakalokong video na ito:


Napapanuod ang My Special Tatay pagkatapos ng Ika-5 Utos sa GMA Afternoon prime samantalang pagkatapos naman ng Cain at Abel ang Onanay sa primetime.

Abangan naman ang Kara Mia sa February sa GMA Telebabad.