Showbiz News

Rhian Ramos-starrer teleseryes to be shown abroad

By Nherz Almo

Dalawa pang Kapuso teleserye ang nakatakdang ipalabas sa ibang bansa ngayong 2019.

Rhian Ramos

Sa Instagram Story ni Rhian Ramos kahapon, January 20, ni-repost niya ang impormasyon tungkol sa pagpapalabas ng mga dati niyang teleserye, ang The Rich Man's Daughter (2015) at Sinungaling Mong Puso (2016), sa ibang bansa.

Una, ni-repost niya ang TV plug ng Sinungaling Mong Puso, na nakatakdang ipalabas sa Thailand sa pamamagitan ng JKN Global Media.

Walang anumang detalyeng nakalagay kung kailan ito magsisimula.

Kasunod nito, ni-repost din ni Rhian ang schedule ng pagpapalabas ng kontrobersiyal na teleserye nila ni Glaiza de Castro, ang The Rich Man's Daughter, sa Canada.

Ayon sa post, magsisimula itong ipalabas ngayong Lunes, January 21.

Kasalukuyang nakabakasyon sa showbiz si Rhian para sa kaniyang pag-aaral sa New York.

Huling napanood ang 28-year-old actress sa romantic-comedy series na The One That Got Away na umere noong 2018.

LINK: IN PHOTOS: Kapuso shows na ipinalabas sa ibang bansa