Showbiz News

Manny Pacquiao and Floyd Mayweather's meeting at NBA game excites fans

By Jansen Ramos

Ngayong tapos na ang laban ng eight-time world boxing champion na si Manny Pacquiao laban kay American boxer na si Adrien Broner, marami ang umaasa sa muling pagtatapat nila ni Floyd Mayweather, Jr.

Manny Pacquiao

WATCH: Manny Pacquiao, may mensahe kay Floyd Mayweather Jr.

Lalong na-excite ang boxing fans nang muling magkrus ang landas ng dalawang boxing legends sa NBA game ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors sa Staples Center sa Los Angeles, California, ngayong Martes, Januarry 22.

WATCH: Manny Pacquiao and Floyd Mayweather cross paths again

Ipinost ni Manny sa kaniyang social media accounts ang slow-mo video ng kanilang pagkikita.


Ayon sa netizens, kompiyansa silang magwawagi si Pacquiao kontra kay Mayweather, Jr. kung mapapahintulan na ang kanilang rematch.


Nabigong mapabagsak ni Pacquiao si Mayweather, Jr. sa kanilang unang laban noong 2015.