Showbiz News

LOOK: Kapuso stars, suportado ang debut single ni Garrett Bolden na 'Lilipad na'

By Aedrianne Acar

Nakakataba ng puso para sa former The Clash finalist na si Garrett Bolden ang mainit na suporta ng kapwa niya Kapuso stars para sa debut single niya under GMA Music na “Lilipad na.”

Garrett Bolden

Garrett Bolden's debut single "Lilipad na," maaari nang ma-download

Simula ngayong araw, January 30, available na for downloading at streaming ang kaniyang bagong kanta.

Ilan sa Kapuso celebrities na nagbigay ng suporta kay Garrett ay sina Lovi Poe, Jo Berry at Arianne Bautista.