Showbiz News

WATCH: Rayver Cruz, manonood ba ng pelikulang 'Elise' na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez?

By Aaron Brennt Eusebio

“Gusto niya talagang manood pero napapaisip siya.”

Rayver Cruz

Ayan ang sagot ni Kapuso actress Janine Gutierrez sa tanong kung manonood ba ang kanyang rumored boyfriend na si Rayver Cruz ng 'Elise,' ang pinagbibidahan niyang pelikula.

May kissing scene si Janine sa isa sa mga best friends ni Rayver sa showbiz at leading man ni Janine sa pelikula na si Enchong Dee.

“Gusto niya talagang manood tapos naaalala niya na may kissing scene nga pala kaya napapaisip siya,” kuwento ni Janine.

“So tingnan natin.”

Samantala, ikinuwento rin ni Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann ang kanyang first shooting day dahil may kissing scene agad.

Alamin ang buong kuwento ni Aubrey Carampel sa 24 Oras sa report na ito: