Showbiz News

Madam Kilay denies being unfaithful to Afam as cause of separation

By Bianca Geli

Si Madam Kilay na nagpapasaya sa mga netizens ay may pinagdadaanan pala!

Madam Kilay

Malungkot na ibinalita ni Jinky “Madam Kilay” Anderson na hiwalay na sila ng asawa niyang kilala sa palayaw na “Afam.”

Sa isang Facebook video ibinalita ni Jinky ang nangyari sa kanila ng dating asawa.

“Hindi ko alam kung saan ko ito uumpisahan. Hiwalay na kami ng asawa ko, hindi ko lang ma-explain sa inyo ang totoo dahil ayokong ma-upset kayo. Alam kong marami kaming na-inspire sa relasyon namin ng asawa ko.”

Kuwento ni Madam Kilya, ang asawa niya ang nakipaghiwalay sa kaniya.

“Matagal na kaming hiwalay. Hiwalay kami pero hindi pa kami divorced siguro mga sampung buwan na.

“Siya 'yung nakipaghiwalay, hindi po ako. 'Yung asawa ko 'yung bumitaw, 'yung asawa ko 'yung nag-give up hindi po ako.”

Ipinakita rin ni Madam Kilay ang ilang screenshots ng usapan nila ng asawa.

“Meron kaming naging conflict nung asawa ko nung umalis siya. Ang hirap ng hindi niyo alam pero please 'wag niyo na akong i-bash kasi hindi po ako nagloko.”

Nakiusap rin ito na tigilan na sana siya ng mga netizens sa pag-bash.