Showbiz News

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, tampok sa Kapuso ArtisTambayan sa February 7

Sina Kapuso stars Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang featured artists para sa February edition ng GMA ArtisTakeover.

Bianca Umali at Miguel Tanfelix

Kaya naman magbabalik sila sa Kapuso ArtisTambayan para makipag-bonding sa kanilang mga fans.

Excited na kasi ang dalawa na ibahagi ang mga pinagkakaabalahan nila ngayon, kabilang na ang mga preparasyon nila para sa kanilang upcoming teleserye na Sahaya.

Bisitahin lang ang official Facebook account ng GMA Network sa February 7, 5:00 PM, para matunghayan sina Miguel at Bianca sa Kapuso ArtisTambayan.

Patuloy naman na mag-log on sa GMANetwork.com para sa iba pang updates sa ArtisTakeover nina Bianca at Miguel ngayong buwan.