
Ikinuwento ng magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz kung gaano kabilis ang mga pangyayari na nauwi sa pagpanaw ng kanilang ina na si Elizabeth Cruz dahil sa stage 4 pancreatic cancer.
Mother of actors Rodjun and Rayver Cruz passes away
Kuwento ng magkapatid, masayang masaya pa si Mommy Beth noong pumunta sila sa Singapore noong December 2018.
WATCH: Rodjun Cruz posts video with his late mom
Pagkauwi ng Pilipinas, nakumpleto pa nila ang simbang gabi at natapos ang 2018 ng walang sakit si Mommy Beth. Pero sa kalagitnaan ng Enero 2019, may naramdaman na itong sakit at dito na nila nakumpirma na mayroong Stage 4 pancreatic cancer ang kanilang ina.
“Ang bilis kasi lahat ng pangyayari e. A month ago, okay naman siya talaga eh, malakas naman talaga until after nung New Year, dun lang namin nalaman,” kuwento ng magkapatid na Rodjun at Rayver.
“Isa sa mga aggressive na cancer talaga yung pancreatic cancer pero fighter si Mama eh,” dagdag ni Rayver.
Rayver Cruz remembers his mom as "best mom in the world"
Dumalaw naman sa burol ang malalapit na kaibigan sa showbiz ng magkapatid na sina Kris Bernal at Thea Tolentino.
Kris Bernal, may mensahe ng pakikidalamhati para kay Rayver Cruz
Nakiramay din ang rumored girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez kasama ang ina nitong si Lotlot De Leon.
READ: Pamilya ni Janine Gutierrez, nakiramay kay Rayver Cruz matapos pumanaw ang kaniyang ina
Alamin ang buong detalye sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras.