Showbiz News

KMJS: UFO sighting sa Negros, totoo nga ba?

By Bianca Geli

Pagkagat ng dilim sa bayan ng Pulupandan, Negros Occidental, may misteryosong ilaw na gumagalaw galaw sa kalangitan.

Hinala ng isang netizen na nag-send sa Kapuso Mo, Jessica Soho ng kaniyang kuwento tungkol dito, isang UFO (unidentified flying object) ito.

Dumayo ang team ng KMJS sa Negros Occidental para masilayan ang misteryosong ilaw, isang gumagalaw na ilaw sa kalangitan ang namataan ng kanilang team.

'KMJS': Na-bully noon, fitspiration ngayon

Ayon sa nakakita ng misteryosong ilaw na si Rob, halos araw-araw daw niya nakikita ang mala-UFO na ilaw,

Ipina-konsulta ng KMJS sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ang nakuhanang video ng misteryosong ilaw.

Ayon kay Jose Mendoza IV mula sa PAGASA, “Hindi siya isang eroplano, hindi rin siya isang bulalakaw…”

KMJS: Ang dating magkaribal, naging magkasintahan?

Ano kaya ang nakitang misteryosong ilaw sa Negros Occidental? Panoorin sa KMJS: