Showbiz News

Dear Sis (Part Two)

Here's part two of the SIS-ters' love advice on the show's avid letter senders. Read up to be enlightened as celebrity guests give their take on different love dilemmas. Dear Sis, For a very long time, sad and blue ang love life ko sa dami na rin ng mga na-experience kong breakups sa panloloko ng mga lalaki. Akala ko nga, hindi na ako magbo-boyfriend ulit hanggang sa makilala ko si Jerson. Mabait siya, maaalalahanin, at sobrang wala akong makitang mali sa kanya. Maski friends ko gusto siya for me, dahil sobrang nice daw niya. At maski kung ako ang tatanungin, siya na yata ang pinaka-okay na guy na nakilala ko. Kaya lang hindi hindi ko maiwasang isipin ang mga what-ifs, especially since ang dami ko na pong na-experience na panloloko ng boyfriend in the past. What if lokohin niya lang ako gaya ng iba? Or what if ma-realize niya na hindi niya pala ako mahal? Lagi ko ngayon naiisip ang term na 'too good to be true.' Kasi baka mamaya, hindi rin pala mauwi sa happy ending ang relasyon na ito. Hindi ko tuloy maibigay kay Jerson ang buong pagmamahal ko dahil sa iniisip kong ito. Nagiging unfair po ba ako, or tama lang na nag-iingat lamang ako ngayon para maiwasan kong masaktan nang todo sa banding huli? Ano po mapapayo niyo sa akin mga sis? Maraming salamat po. More power. Ms. Blue Diana Zubiri: Wag niya na lang i-compare yung past niya, kasi iba't-iba naman yung mga tao, e. Wag siyang magdalawang isip na ibigay yung pagmamahal na siguro naman deserve ni Jerson, na makuha. Kasi hindi naman pare-parehas ang lalaki kung naloko siya in the past. Lalo na kung nakikita niya naman na mahal na mahal siya, tapos gustung-gusto ng mga kaibigan niya para sa kanya. Wag na siyang magdalawang isip doon, di ba? Binibigyan lang niya ng problema sarili niya. Eugene Domingo: Miss Blue, maarte ka! Praning ka! Kung ayaw mo, bigay mo sa akin! Minamahal ka na nga nang husto, alam mo, kung may problema ka, hindi ka pa siguro ready-masyado pang malalim ang mga sugat na tinamo mo. Ilan ba nanloko sa'yo, 85 ba? Hindi ko siya masisisi kung gaanon kadami, pero sa totoo lang, hindi magiging successful ang relationship niyo kasi praning ka, e! Lagi kang magdududa! Kaunting kilos lang niya, naku, ito na yun, masasaktan na ako! Unang-una siguro, ikaw muna, try mo muna maging single. O kung may extra kang pera, magpa-psychiatrist ka. Hindi ako nagbibiro. Because you have to heal yourself. So paano mo masasabing open ka sa isang taong tunay na nagmamahal sa'yo kung may sugat ka pa. Gamutin mo. Dear SIS, Good morning po sa inyo diyan sa Pilipinas, ako po si Jed, 24 years old, at isang OFW. Ang laki po ng pasasalamat kong napapanood ko kayo sa Dubai. SIS po kasi ang paboritong programa ng girlfriend kong si Me-ann at sobrang naalala ko siya tuwing napapanood ko ang SIS. Ilang buwan pa lang naman ako sa Dubai, mahirap man, pero kailangan kong magtrabaho sa ibang bansa para mapag-aral ko ang mga kapatid ko at kumita ng sapat na pera para sa pamilya. Kasama sa parteng mahirap ay ang long distance relationship namin ni Me-ann. Hindi kami madalas makipag-usap sa telepono, dahil hindi magkatugma ang schedule ng trabaho namin. Sumusulat ako sa kanya sa email, pero madalang din dahil hirap din ako sa Internet dito. Kaya napag-isipan ko din pong sumulat sa inyo para kahit papaano, maiparating ko sa kanya na kahit malayo kami sa isa't-isa, lagi siyang nasa isip ko. Kasabay nito, maari po ba ako humingi ng kaunting payo kung paano ko maipararamdam sa kanya ang pagmamahal ko kahit nandito ako sa malayong lugar. Ano po kaya ang pwede kong gawin, mga sis? Maraming salamat po sa tulong na ibinibigay sa inyo, more power! Jed Benjie Paras: E di ang gawin niya, total, nagtatrabaho siya para sa mga kapatid niya, di ba, utusan niya yung kapatid niya na bilhan ng regalo yung girlfriend niya ng bulaklak! Camille Prats: Syempre pag long distance relationship, importante diyan, communication. Yun lang ang tanging paraan para mag-work. And I have friends na four years na magkalayo, pero sila pa rin nagkatuluyan kasi constant communication. Ang dami-dami nang means ngayon sa panahon ngayon, wala nang paraan para hindi niyo makita ang isa't-isa. Araw-araw, may video conference, may MMS, video MMS, so siguro kung wala siyang masyadong access sa Internet, bumalik na lang siya doon sa makalumang paraan. Sumulat siya ng letters, [magpadala] ng pictures, ang importante, palagi. Talagang mararamdaman noong girl na ako pa rin nasa isip niya kasi lagi akong may sulat from him, sa lahat ng mga na-experience niya sa Dubai, nandoon pa rin yung communication at thought na naaalala mo siya. To view Part 1 of Dear Sis, click here! Hear more sound advice from your morning buddies! Catch SiS on weekday mornings! If you're not yet registered, register now! You might even get the chance to chat with your idol!