Showbiz News

WATCH: Patricia Javier, ipinasilip ang San Diego-inspired na tahanan

By Marah Ruiz

Inspired daw ng San Diego, California ang bagong tahanan ng aktres at beauty queen na si Patricia Javier.

Patricia Javier

Six months na siyang nakatira dito kasama ang asawang si Dr. Rob Walcher at mga anak na sina Robert at Ryan.

Sa San Diego nakabase noon si Patricia at kanyang pamilya. Sa Amerika niya kasi nakilala ang kanyang asawang si Doc Rob at doon nagsimula ang kanilang buhay mag-asawa.

"We have common friends. Pinakilala lang sa akin si Doc Rob. Noong time naman na 'yun, perfect timing kasi wala akong boyfriend, wala siyang girlfriend," kuwento niya.

Isang bagay daw ang una niyang napansin tungkol dito.

"Noong nakita ko siya, sabi ko 'Wow, blue eyes!'" aniya.

Panoorin ang pagkukuwento ni Patricia sa kanilang love story, pati na ang pagpapasilip niya ng kanilang tahanan sa feature na ito ng Tunay Na Buhay: