Showbiz News

Kiray Celis, may napansin sa co-star na si Clint Bondad matapos ang breakup with Catriona Gray?

By Aedrianne Acar

Suno-sunod ang project ng comedienne na si Kiray Celis, matapos lumipat sa GMA Network last year.

Kiray Celis

Matapos ang stint niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan gumanap siyang Fairy Gosh Monkey sa 'Amazing Adventure of Super Ging and Harvey,' busy naman siya sa shooting ng first movie ni Tekla.

Mapapanood din siya sa Kapuso soap na Love You Two kung saan bida sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Sa exclusive interview kay Kiray ng GMANetwork.com, sinabi nito na masaya siya na lumipat siya sa Kapuso Network. Aniya, “Sobrang sulit, as in super sulit! I want to say here forever.”


Kamusta naman kaya katrabaho ang model-actor na si Clint Bondad na kasama niya sa soap na Love You Two.

Hindi maitago ni Kiray Celis ang labis nitong pagkakilig na co-star niya ang Kapuso hottie.

“Yes pogi ni Clint grabe! Parang hindi siya tao, 'pag nasa tent kami parang ayoko na mag-lunch'."

IN PHOTOS: At the story conference of Tekla's first movie

Direstahan tinanong ng GMANetwork.com si Kiray, kung may napansin ba siyang kakaiba kay Clint bago umamin ang reigning Miss Universe Catriona Gray na break na silang dalawa?

Kuwento niya, “Okay naman, hindi niya dinadala sa work ang love life. Hindi niya dinadala sa work kung ano man 'yung nararamdaman niya.”

LOOK: Clint Bondad airs his side on breakup with Catriona Gray: 'This is not what we both wanted...'

“Kasi if you're an actor hindi mo talaga puwede dalhin 'yung problema mo 'pag nasa trabaho ka. Na kahit ano man sigurong trabaho mo hindi naman puwede dalhin 'yung problema mo 'di ba. Kailangan mo dalhin 'yun ng maayos, kasi problema mo 'yun, hindi 'yun problema ng mga kasama mo.”


Nagbigay din ng payo si Kiray kay Clint para maka-move on sa paghihiwalay nila ng Pinay beauty queen.

Saad ng Kapuso actress, “Feeling ko naman mahal nila 'yung isa't-isa, kailangan talaga sa career kailangan lang sa oras. Kailangan lang sa panahon, pero sabi nga nila 'pag sa iyo, sa iyo talaga. Hindi mo kailangan pilitin ang mga bagay-bagay kapag hindi para sa iyo.”