Showbiz News

Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara at Alden Richards, nominado sa isang music awards

By Aaron Brennt Eusebio

Pinangunahan ni Julie Anne San Jose ang ilang Kapuso stars na nominado sa Myx Music Awards 2019.

Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, at Alden Richards

Nominado ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne bilang Female Artist of the Year.

Samantala, ang music video ng kanta niyang “Tayong Dalawa” ay nominado sa kategoryang Mellow Video of the Year.

Bukod dito, ang collaboration song nina Julie Anne at Fern na “Down For Me” ay nominado rin sa kategoryang Collaboration of the Year.

Samantala, nominado bilang New Artist of the Year ang tinaguriang La Nueva Diva at Inagaw na Bituin actress na si Kyline Alcanatara.

May pagkakataon din ang Pambansang Bae na si Alden Richards na makuha ang Remake of the Year award para sa cover niya ng “I Will Be Here.”

Gaganapin ang awards night sa May 14, 2019.