Showbiz News

Edgar Allan Guzman on signing up with Artist Center: 'Ang tagal ko ring hinintay'

By Bianca Geli

May kuwento ang aktor na si Edgar Allan Guzman [or mas kilala sa tawag na EA] kaugnay sa pagpirma niya ng kontrata sa ilalim ng GMA Artist Center.

Edgar Allan Guzman

Ayon kay EA, matagal niya raw itong hinintay dahil sa kagustuhan din na maging loyal sa isang network.

Jason Abalos, Edgar Allan Guzman at Paul Salas, nagsalita tungkol sa kakaibang konsepto ng programa ng GMA Network

http://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/news/48707/jason-abalos-edgar-allan-guzman-at-paul-salas-nagsalita-tungkol-sa-kakaibang-konsepto-ng-programa-ng-gma-network/story?amp

Edgar Allan Guzman, makaka-love triangle nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez sa 'Dragon Lady'

The cast of 'Dragon Lady' in their grand media conference

Dating under si EA sa management ni Noel Ferrer ngunit ngayon ay co-managed na siya ni Arnold Vegafria at ng GMA Artist Center.

“Ang tagal ko ring hinintay. Alam naman po ni Sir Noel 'yun eh... ang tagal ko nang gusto ng kontrata. Gusto ko 'yung loyalty ko sa isang network nandoon. Ayoko na 'yung makikita ako ng tao na nasa kabila tapos nasa GMA, naguguluhan din sila.”

Abangan si EA bilang si Goldwyn Chen sa Dragon Lady on March 4.