Showbiz News

WATCH: Aiai delas Alas, may special participation sa upcoming movie ni Tekla

By Michelle Caligan

Todo suporta si Comedy Queen Aiai delas Alas sa first movie ng Kapuso comedian na si Tekla. May special participation ang aktres na dapat abangan ng mga manonood.

Aiai delas Alas

READ: Super Tekla, naiyak nang malamang bibida sa isang comedy film

Sa ulat ni Aubrey Carampel para sa Balitanghali, ibinahagi ni Aiai kung paano siya napasali sa naturang pelikula.

"Kasi naniniwala ako sa kakayahan niya, naniniwala ako sa abilidad niya at naniniwala ako sa talent niya. Kaya nandito ako para sa kanya."

Makakasama rin ni Super Tekla dito si Kim Domingo, na masayang nahahanay ngayon sa comedy projects.

Kim Domingo on why she's not doing sexy roles: "I want something new"

"Kapag may role na mga sexy, medyo nag-no na ako. Hindi naman siya sa pag-iinarte, sa pamimili ng trabaho. Mas gusto ko lang gumawa ng mga ganito."

Panoorin ang buong report dito: