Showbiz News

WATCH: Ang off-screen relationship nina Sunshine Dizon at Angelika Dela Cruz

By Cara Emmeline Garcia

Magkalaban on screen ngunit magkaibigan off-screen. Yan ang paglalarawan nina Sunshine Dizon at Angelika Dela Cruz sa kanilang isang dekadang tambalan.

Sunshine Dizon at Angelika Dela Cruz

Unang nagkakilala at naging magkaribal sa telebisyon sina Sunshine at Angelika noong 2000 sa Kapuso mini-series na Umulan Man o Umaraw.

Sa sampung taon nilang magkatrabaho, 'di raw mapipigilang makilala nila nang husto ang isa't isa.

Ayon kay Angelika, “Fifth show na namin ito [Inagaw na Bituin] together and maganda yung chemistry.

"'Yung alam mong pag eksena ninyo, alam mong maganda ang kalalabasan nito,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng sampalan, tarayan at sabunutan, isang magandang relasyon ang nabuo sa likod ng camera.

“What's good with us is kahit minsan, years din kaming 'di nagkakatrabaho. Pero 'pag nagkikita kami parang kahapon lang kami di nagkita,” kuwento ni Sunshine.

Dagdag naman ni Angelika, “Sabi ko nga kay Sunshine, 'Ikaw ang ka love team ko rito sa GMA'”

Panoorin ang iba pang celebrities na matalik na magkaibigan at magkaribal sa show.

MUST-READ: The many rivalries between Sunshine Dizon and Angelika dela Cruz

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara at Therese Malvar, dati nang magkaribal?