Showbiz News

WATCH: Official candidates ng Binibining Pilipinas 2019, ipinakilala na

By Cara Emmeline Garcia

Suot ang kani-kanilang mga swimsuit, inirampa ng 40 kandidata ng Binibining Pilipinas 2019 ang kanilang ganda at physique.

Binibining Pilipinas 2019

Ngayong taon, mapapansing ang iba't ibang background at mga bagong advocacies ng mga kandidata.

Isa na dito si Binibining Bataan na si Bea Patricia Magtanong na isang law graduate.

Aniya, “My advocacy is for the rights of prisoners.”

Proud kasambahay naman si Binibining Puerto Princesa na si Jessarie Damaguing.

Ayon sa kandidata, ang kanyang istorya ay kapupulutan daw ng inspirasyon dahil sa kanyang pagpupursigi para makapagtapos habang namamasukan bilang kasambahay.

Nagbabalik naman si Binibining Negros Occidental Vickie Rushton na girlfriend ni Kapuso hunk Jason Abalos.

Tulad ni Vickie, nagbabalik din si Aya Abesamis ng Pasig City at Samantha Bernardo na nanalo bilang 2nd runner-up sa nakaraang kompetisyon.

Kilalanin ang iba pang candidates ng Binibining Pilipinas 2019 sa chika ni Nelson Canlas:

WATCH: 40 Official candidates na lalahok sa Binibining Pilipinas 2019, napili na

LOOK: Catriona Gray reminisces her Binibining Pilipinas journey