Showbiz News

WATCH: 'Kiko en Lala' stars Super Tekla at Kim Domingo, ipinakita ang kanilang special talent

By Cara Emmeline Garcia

Kilala si Kapuso comedian and performer Super Tekla sa kanyang comedic timing sa paghatid ng jokes sa The Boobay and Tekla Show.

Super Tekla and Kim Domingo

Pero alam niyo bang kaya din ni Tekla na impersonate si Canadian superstar Celine Dion?

Ayon kay Tekla, “Na-develop ko ito nung naging janitor ako.

“Minsan pa nga sinisigawan ako ng manager ko, 'Huy! Ang ingay mo!'”

Super Tekla: Beyond Ganda

Para kay sexy actress and Bubble Gang star Kim Domingo naman, bihasa raw sa gay-lingo.

Ani ni Kim, “Yan ang 'di nila alam! Yan ang special talent ko.

“Usually mas nagagamit ko nga siya kapag kasama ko yung friend ko. Parang hindi na ata ako nagsasalita ng normal!”

Panuorin ang kanilang mga hidden talents sa chika ni Nelson Canlas:

WATCH: Hidden talents ng ilang Kapuso celebs

Magtatambal sina Super Tekla at Kim Domingo sa pelikulang “Kiko en Lala” kasama ang iba pang Kapuso celebs tulad nina Aiai Delas Alas, Kiray Celis, Jo Berry, at Derrick Monasterio.

WATCH: Super Tekla may unforgettable scene daw sa 'Kiko en Lala'

WATCH: Jo Berry, nagte-taping na para sa unang pelikula niyang “Kiko en Lala