Showbiz News

WATCH: Susan Enriquez, naiyak nang makita si Pope Francis sa Vatican

By Cara Emmeline Garcia

Noong 2015, isa si Unang Hirit anchor Susan Enriquez sa mga nag-cover noong pumunta si Pope Francis sa Maynila subalit hindi niya ito nasilayan nang malapitan.

Susan Enriquez

Sa live coverage ng Unang Hirit sa Vatican at Italy. Nabigyan muli ng pagkakataon si Susan na makita ang Santo Papa at ipinakita niya ang kaniyang unang araw sa sentro ng Kristiyanismo.

Ayon kay Susan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga madla na masilayan ang Head of the Catholic Church at makuha ang kaniyang “Apostolic Blessing” sa nagaganap na “Audience with the Pope” tuwing Miyerkules.

Nang dumaan ang Santo Papa sa kaniyang harapan makikitang naging emosyonal si Susan.

Aniya, “Nakakatouch pala 'yung ganitong eksena dito.

“'Yung makita mo si Pope Francis.”

Panuorin ang buong experience ni Susan Enriquez sa video na ito:

Unang Hirit: Live Holy Week Special sa Vatican at Italy | Teaser