Showbiz News

WATCH: Jimuel Pacquiao wins first amateur boxing fight via KO

By Cara Emmeline Garcia

Sumusunod na sa yapak ni Pambansang Kamao Manny Pacquaio ang panganay niyang anak na si Jimuel Pacquiao.

Jimuel Paquiao

Sa kauna-unahang boxing match ni Jimuel, na-knockout niya sa ikalawang round ang kaniyang kalaban na si Miguel Egan.

Ani ni Jimuel, “For me I still have a lot of things to work on, but you know I'm just happy I got the win.”

Isa sa mga nanuod ng charity match ay ang nakababatang kapatid ni Jimuel na si Michael at ilan niyang mga kaibigan.

Hindi raw sanay si Michael na makita ang kaniyang kuya loob ng isang boxing arena.

Aniya, “I'm not used to it though 'cause it's my brother. It's kinda weird. But, full support!”

Pagkatapos ng unang knockout win ng 18-year-old boxer, ano naman kaya ang masasabi niya sa kaniyang mga magulang?

“Oh! Mom and dad, I won! So, I'm gonna keep going!” patawang sinabi ni Jimuel.

Panuorin ang buong ulat ni Mav Gonzales:

WATCH: Manny Pacquiao, hands-on coach to son Jimuel