Showbiz News

Michael V reacts to Paolo Contis's attempt at humor

Tila hindi bumenta ang joke ni Kapuso comedian Paolo Contis sa kanyang girlfriend na si LJ Reyes.

Ibinahagi ni Paolo ang isang maikling video ng kanyang "buko" joke kay LJ.

"Matagal na kami ni @lj_reyes pero minsan hindi pa rin siya makapaniwala sa kakornihan ko!" sulat niya sa kanyang Instagram account.

Hindi naman napigilan ng kanyang Bubble Gang co-star na si Michael V na mag-react.

Kasalukuyang nagbabakasyon si Paolo at LJ kasama ang kanilang anak na si Summer at panganay ni LJ na si Aki sa isang hotel sa Muntinlupa.