Showbiz News

Paolo Contis, tinutukan ang pagsusulat for 'Bubble Gang' habang naka-quarantine

By Aedrianne Acar

Habang naka-home quarantine si Paolo Contis nitong mga nagdaang buwan, dahil sa COVID-19, tinutukan ng top-notch Kapuso comedian ang pagsusulat ng materyal para sa gag show niya na Bubble Gang.

LOOK: Celebrity parents na ipinagtanggol ang kanilang anak sa bashers

LOOK: Paolo Contis turns daughter Summer into relatable memes

Ito ang ibinida ng girlfriend ni Paolo na si LJ Reyes sa panayam nila with the entertainment press via zoom conference ngayong hapon, June 5 sa pangunguna ng Corporate Communications Department ng GMA-7.

Proud na sinabi ni LJ sa video conference, "Ang achievement unlocked niya ngayong ECQ kahit na nagsusulat siya sa Bubble, he has been so scared of writing on his own, pero ngayong lockdown talagang sabi ko nga sa kanya, 'Yehey! Finally! 'Yun lang pala 'yung makakapag-push sa'yo'.".

Dagdag niya, "Matagal ko na siyang pinu-push na talagang go, lahat ng ideas mo, lahat ng mga concept mo isulat mo na."

Naisip din ni Paolo na gumawa ng materials for the award-winning gag show para may baon na siya pagbalik nila sa taping.

Paliwanag ni Pao, "Puro sulat. Siyempre para pagbalik-trabaho mayroon ka rin mga alay na script, ika nga nila.

"Feeling ko madali din mag-sulat in terms of the situation. Of course, sa sitwasyon natin [ngayon], gusto natin matuwa, matawa. Tapos mayroon ka ng sitwasyon na puwede pagtawanan even 'yung nangyayari ngayon, 'di ba?

"Para lang magpagaan sa mata ng tao ba."

Sinagot din ni Paolo ang tanong ng GMANetwork.com kung nakikita niya ba may pagbabago sa shoot nila sa Bubble Gang, tulad na lang nang pag-incorporate ng video conference sa ipinapalabas nila tuwing Friday night.

Diretso ang naging sagot ng Kapuso comedian na naniniwala siya na dapat i-shoot ang flagship comedy program ng GMA-7 sa studio para mapanatili ang quality nito.

Dagdag ni Paolo, "Wala pa doon sa stage na 'yun. Kasi GMA just launched a YouTube channel, 'di ba 'yung YouLol, which we do online.So 'pag sinabi mo babalik ang Bubble Gang, naniniwala ako na dapat ay return ng Bubble Gang sa telebisyon and I believe na para makabalik sa TV kailangan mag-shoot ng hindi lang webcam ika nga. Siyempre, kailangan i-consider 'yung quality ng lahat, pati ng audio and video."

Saan nga ba magaling si Cecilio Sasuman?

Team FayeChie, hawak na ang record ng most viewed 'Bubble Gang' video on YouTube