Showbiz News

WATCH: Park Bo Gum fan meeting kanselado dahil sa sunod-sunod na lindol sa bansa

By Cara Emmeline Garcia

Dahil sa sunod-sunod na lindol, kinansela muna ang gaganaping fan meeting sa bansa ng South Korean actor na si Park Bo Gum.

Park Bo Gum

Sa tweet ng actor nagpahayag siya ng pagkakalungkot na hindi muna matutuloy ang fan meeting sa Sabado, April 27, sa Mall of Asia Arena.

Humingi rin siya ng paumanhin at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nabiktima ng lindol.

Ini-reschedule ang fan meeting sa June 22.

Panuorin: