Showbiz News

WATCH: First fan meet ni Park Seo Joon, dinagsa ng libo-libong fans

By Cara Emmeline Garcia

Celebrity man o die-hard fans, walang nakapigil sa kilig na hatid ni South Korean actor Park Seo Joon sa naganap na fan meet niya noong Linggo, September 29.

Park Seo Joon / Source: benchtm (IG)

Sa SM Mall of Asia Arena, nakakabinging sigawan at tilian ang dumagsa sa Korean oppa nang lumabas ito sa stage.

Nakipaglaro rin ito ng iba't ibang games tulad ng Pinoy Henyo at “Park, Park, Seo Joon” ang kanyang version ng “Hep, hep, hooray!”

Ang ilang lucky fans, naka-selfie at naka-yakap rin ang rom-com master ng K-Drama.

Siyempre, mayroon din mga Kapuso stars na nakadalo tulad na lamang ng mag-pinsang sina Winwyn Marquez at Michelle Dee, Kapuso comedy queen Aiai Delas Alas, Shaira Diaz, at ang magkapatid na sina Gelli at Janice de Belen.

Sa pagtatapos ng fan meeting, taos pusong nagpasalamat ang Korean actor sa libo-libong fans na dumalo at dahil dito ay nagkaroon daw siya ng rason para bumalik sa Pilipinas.

Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas:

Aiai Delas Alas fangirls over Park Seo Joon

Is Park Seo Joon the Asian Ryan Gosling? The Korean actor scratches head at the comparison